"ITAKWIL ANG MGA TIWALI AT CORRUPT SA HALALAN" - SEN KIKO PANGILINAN
Hinikayat ni dating Senator Kiko Pangilinan ang taong bayan na magkaisa at ilunsad ang isang uri ng pag-aalsa at pagbabago sa darating na eleksyon sa 2025 - ang isang electoral revolt. Sa nasabing electoral revolt, hinimok niya ang mga botante na itakwil ang mga tiwali at corrupt na opisyal bagkus ihalal ang mga lider na may prinsipyo at inuuna ang kapakanan ng mga tao at ng bayan. “Walang puwersang pulitikal na hihigit pa sa milyun-milyon nating mga kababayan na nagkakaisa na tumataya, kumikilos kasama ang mga lider na may prinsipyo at paninindigan tungo sa landas ng ganap at tunay na pagbabago”, ito ang sinabi ni Sen Kiko Pangilinan noong October 16 sa ginanap na paglulunsad ng Kiko-Bam Grand Volunteer Launch sa Bahay ng Alumni sa UP Diliman. Inulit din niyang sinabi ang kanyang mariing paniniwala: “Ang tunay na tagapagligtas sa bayang hikahos ay ang taumbayan mismo — milyun-milyon mula sa bawat sulok ng Pilipinas, kumikilos, tumitindig, at lumalaban para sa goby...