Handang Makipagtulungan si Kiko sa Marcos Govt para Wakasan ang Gutom

 

Sa paghahain ng kanyang certificate of candidacy, sinabi ni dating Senador Francis “Kiko” Pangilinan nitong Martes na handa siyang makipagtulungan sa gobyernong Marcos upang wakasan ang gutom.  

“Handa tayong isantabi ang pulitika upang tulungan ang gobyerno dahil walang kulay pulitika ang gutom,” Pangilinan sa kanyang pambungad na pahayag sa Manila Hotel set-up ng Commission on Elections.  

Binanggit niya na nananatiling problema ng mga Pilipino ang mataas na presyo ng bigas at iba pang bilihin. “Nais ko muling bumalik upang masolusyonan ang dinadaing ng ating mga kababayan,” aniya.  

Bilang presidential assistant ng food security at agricultural modernization noong 2014 sa panahon ng pamumuno ni Pangulong Noynoy Aquino, nagawa niyang pababain ang rice inflation mula 15 porsiyento hanggang 0.8 porsiyento sa loob ng isang taon, ang pinakamababang inflation rate sa bansa sa loob ng 20 taon o mula noong 1995. Noong panahong iyon, ang presyo ng bigas sa palengke ay nasa pagitan ng P36 at P38 kada kilo.   Ngayon, nasa pagitan ng P52 at P60 kada kilo ang mga presyo ng bigas.  

“Nagawa na natin ito noon, kayang-kaya nating solusyonan ulit ito ngayon basta nagtutulungan ang lehislatura at ang executive branch,” ani Pangilinan.  

Sa loob ng tatlong buwan pagkatapos ng kanyang appointment sa Gabinete, hinabol niya ang mga smuggler at abusadong negosyante at hoarder, kinumpiska ang smuggled na bigas na nagkakahalaga ng bilyun-bilyong piso, nagsampa ng mga kasong kriminal laban sa kanila, at binawi ang kanilang mga permit. Nagsampa rin siya ng mga kaso laban sa mga tiwaling opisyal ng National Food Authority (NFA) sa anim na rehiyon sa buong bansa.  

Bilang NFA chairman, ginawa niya ito sa tulong ng Bureau of Customs, National Bureau of Investigation, at Criminal Investigation and Detection Group.  

Sa unang pagkakataon sa 42-taong kasaysayan ng NFA, ginawa niyang patas at napapanahon niya ang sistema ng pag-aangkat ng bigas.   “Tinigil natin ang pag-import ng overpriced na bigas mula sa Thailand at Vietnam. Tinigil din ang tongpats,” sabi niya.   “Gutom ang taumbayan sa solusyon. Gutom ang taumbayan sa mga pangarap. Gutom ang taong bayan sa mga pangarap. Gutom ang taong bayan sa pag-asa.Kapag walang bahid, kapag tapat, at totoo ang pamumuno, mawawala na rin ang pagiging gutom ng ating mga minamahal na kababayan," dagdag ni Kiko.

#TapatatTotoo #Kiko2025 #LalabanTayoKiko #HindiPaTayoTapos #walangbahid

                                                ####

Comments

Popular posts from this blog

SI KIKO AT SI TATANG MEG NG SAN SIMON, PAMPANGA

"ITAKWIL ANG MGA TIWALI AT CORRUPT SA HALALAN" - SEN KIKO PANGILINAN