SEN KIKO PANGILINAN, NANGUNGUNA SA SURVEY NG MGA KABATAAN AT ESTUDYANTE

 

Nangunguna at isa sa paborito ng mga kabataan at estudyante sa isang survey si dating Senador Kiko Pangilinan. Kiko, Ping, And Bam Top Youth Survey | Journal Online  

Ito ang lumabas na resulta sa isang malawakang pambansang survey noong Oktubre 17-25 na isinagawa ng Centre for Student Initiatives (CSI) – isang hiwalay at malayang institusyon na nagsasaliksik ng solusyon para sa pagpapabuti ng edukasyon at  pakikilahok ng Kabataan sa pamamahala.

Ayon sa pambansang survey, nakakuha si Sen Kiko Pangilinan ng 67% boto ng mga estudyanteng nasa edad ng 18 hanggang 25 anyos. Sinundan siya ni Lacson na may 54.5% boto, kasunod si Bam Aquino nsa may 51.7% na boto.

Hindi nakakapagtaka kung bakit siya gusto at iniidolo ng maraming tao, hindi lang ang mga kabataan ngayon.

Kahanga-hanga ang mga nagawa ni Sen Kiko Pangilinan sa serbisyo publiko bilang isang lingkod bayan. Bilang senador, naisabatas niya ang 291 na bills. Isa na dito ang pag-akda ng Organic Agriculture Act of 2010, at iba pang mahahalagang batas. 

Noong 1988-1992, siya ang pinakabatang konsehal na kabilang sa 11th Quezon City Council na responsable sa mahalagang ordinansa na nag-angat sa kawanihan ng social services division na ngayon ay kilala sa lungsod bilang Social Services Development Department - isa sa mga kawanihan ng QC LGU na nangunguna sa paghahatid ng tulong sa mga tao.

Si Pangilinan ay itinalaga rin ni dating Pangulo Benigno Aquino bilang presidential assistant for food security and agriculture modernization, isang posisyon na nasa ilalim ng Tanggapan ng Pangulo ng Pilipinas. Nang panahong iyon, nilabanan niya ang food crisis at ang rice inflation.Tinutukan niya ang pagtaas ng presyo ng bigas at ibinaba ang rice inflation mula 15% sa 0.8%. Kiko Pangilinan shares formula to bring down rice inflation 

Ito ay naisagawa ni Sen Kiko Pangilinan sa pamamagitan ng pagdakip at pagsampa ng kaso sa mga "smugglers, hoarders" at "price manipulators" ng bigas, kasama ang mga kasabwat nilang opisyal at kawani mula sa National Food Authority (NFA) at Department of Agriculture (DA).

Dagdag pa dito, siniguro rin ni Pangilinan ang paghinto sa maling kasanayan na pagbibigay ng suhol (bribes), gayun din ang pagpigil sa nakasanayang pagbili ng overpriced na bigas mula sa Thailand at Vietnam. Dahil dito, nakatipid ang bansa ng halos P7-bilyon. 

Dahil rin dito, binago niya ang "import-dependent" na kaisipan ng mga opisyal sa pamahalaan. 

Si Sen Kiko nang dumalo siya imbitasyon ng campus journalists sa San Beda College Alabang

Photo credit: (2) Facebook 

Sinabi ng CSI na ang naturang survey ay random na isinagawa sa piling (selected) 1,200 respondents mula sa ibat-ibang lugar ng Metro Manila, Calabarzon, Central Luzon, Western at Central Visayas at 64% sa kanila ay naka-enrol sa mga state universities at colleges, 12% ay mula sa mga Pamantasan at kolehiyo na pinamamahalaan ng mga LGU at 24% naman ay pribadong pag-aari.

                                                                ######

Ref: Kiko, Ping, And Bam Top Youth Survey | Journal Online

Kiko Pangilinan shares formula to bring down rice inflation 

Comments

Popular posts from this blog

SI KIKO AT SI TATANG MEG NG SAN SIMON, PAMPANGA

"ITAKWIL ANG MGA TIWALI AT CORRUPT SA HALALAN" - SEN KIKO PANGILINAN