SI KIKO AT SI TATANG MEG NG SAN SIMON, PAMPANGA

ANG MULING PAGTATAGPO NG 2 MAGKAIBIGANG MAHILIG SA PAGSASAKA


Kamakailan lang, dinalaw ni dating Senador KIKO PANGILINAN ang bayan ng San Simon at muling pinuntahan ang mga kaibigang magsasaka sa munting bayan ng Pampanga.

Sabi ni KIKO sa kaniyang post sa FB page, dalawang beses na niyang nabisita ang lugar matapos ang 2022 campaign. Ngunit isa lamang ang San Simon sa maraming bayan at lugar ng sakahan na nabisita ni Kiko sa buong bansa, hindi lamang noong panahon na tumatakbo siya bilang Bise Presidente noong 2022 kundi maging noong panahon na siya ay naitalagang Presidential Assistant for Food Security and Agricultural Modernization ni dating Pangulong Benigno Aquino III, simula 2014 hanggang 2015.

Dahil dito, malaki ang kaalaman na natutunan niya tungkol sa buhay ng taong bayan, lalo na sa mga Pilipinong magsasaka at ang relasyon ng pagsasaka sa usapin ng presyo ng bigas at pangunahing bilihin at iba pang isyu tungkol sa food security.

MAHALAGANG NAGAWA NG KIKO


Sa katunayan, maliban sa 291 batas na iniakda ni Kiko Pangilinan noong nasa Senado pa siya, gumawa rin siya ng mga makabuluhang pagbabago sa polisiya bilang miyembro ng Gabinete, bilang Kalihim ng Food Security noong administrasyon ni Pang. Benigno Aquino Jr.

Partikular na dito ang pagsasaayos sa rice supply na nagresulta sa pagbaba ng presyo ng bigas nang hanggang tatlong piso kada kilo noong panahong iyon na itinuring na pinakamababang food inflation sa loob ng 20 taon (1995-2015).

Noong 2014, matagumpay niyang naibaba ang tinatawag na “rice inflation”, mula sa 15% sa 0.8%, at ang bigas ay mabibili sa mga palengke o tindahan sa presyo na PhP36 o PhP38 kada kilo lamang.

SI TATANG MEG: ANG PINAKAMATANDANG MAGSASAKA NG SAN SIMON, PAMPANGA


Isa si Tatang Meg sa maraming magsasakang kaibigan ni Kiko. Si Virgilio Alfaro o kilala bilang “Tatang Meg”, ay 87 taong gulang at kinikilala bilang pinakamatandang magsasaka sa bayan ng San Simon, Pampanga.

Si Tatang Meg ay tumanda na sa pagssaka, na siyang tanging hanapbuhay niya para sa pamilya. Marami na siyang naranasan na pagsubok sa buhay bilang magsasaka. Siya ay na-stroke na ng dalawang beses habang nagsasaka ngunit gumaling uli, nakabawi at patuloy pa rin siya sa gawain.

Dahil mahilig din sa pagsasaka, humanga si Kiko at napalapit ang loob kay Tatang Meg.

Lalong tumibay ang pagkakaibigan ng dalawa noong 2022 nang itaas ni Tatang Meg ang kamay ni Kiko, na kandidato bilang Bise Presidente noon at hinirang ng mga magsasaka ng San Simon bilang kinatawan nila.

Ito rin ang naging dahilan kung kaya’t si Kiko Pangilinan ang maituturing na kinatawan ng mga magsasaka sa buong bansa ngayon.

Noong panahong ito, nagkita sa entablado ang dalawa. Mababaw ang luha ni Kiko at naiyak siya sa tuwa dahil dito at niyakap ang kaibigan at kapwa niya magsasaka.  

Kaya’t noong dumalaw si Kiko sa San Simon nitong nakaraang araw, kinumusta niya ang mga kaibigang magsasaka, lalo na si Tatang Meg.

“Tuwing tayo ay nasa San Simon, Pampanga, hindi puwedeng hindi natin kumustahin sina Tatang Neg at ang San Nicolas farmers ng San Simon.”, ani Kiko.

Dagdag pa ni Kiko, “Magkadugtong na ang puso namin ng mga magsasaka ng San Nicolas, lalong-lalo na ni Tatang Meg. Iisa ang tinitibok ng aming hangarin—ang maiangat ang pagsasaka sa ating bansa. Natutuwa tayong makita si Tatang Neg na malakas, masigla, at puno ng pag-asa."

Ang hikayat ni Kiko: “Patuloy tayong magtutulungan para sa mas mababang presyo ng bilihin at tunay na suporta sa ating mga magsasaka tulad nina Tatang Neg at ng San Nicolas farmers, at maging sa buong bansa.”

ITULOY ANG SINIMULAN NI KIKO! IBALIK SI KIKO SA SENADO!

Ref: Francis Pangilinan - Wikipedia

Francis "Kiko" Pangilinan Biography, Latest Update, Achievements

Photo credit: screen grab Facebook

#KikoSaSenado2025

#Kiko2025

#TapatAtTotoo

#WalangBahid

Comments

Popular posts from this blog

"ITAKWIL ANG MGA TIWALI AT CORRUPT SA HALALAN" - SEN KIKO PANGILINAN