Posts

SI KIKO AT SI TATANG MEG NG SAN SIMON, PAMPANGA

Image
ANG MULING PAGTATAGPO NG 2 MAGKAIBIGANG MAHILIG SA PAGSASAKA Kamakailan lang, dinalaw ni dating Senador KIKO PANGILINAN ang bayan ng San Simon at muling pinuntahan ang mga kaibigang magsasaka sa munting bayan ng Pampanga. Sabi ni KIKO sa kaniyang post sa FB page, dalawang beses na niyang nabisita ang lugar matapos ang 2022 campaign. Ngunit isa lamang ang San Simon sa maraming bayan at lugar ng sakahan na nabisita ni Kiko sa buong bansa, hindi lamang noong panahon na tumatakbo siya bilang Bise Presidente noong 2022 kundi maging noong panahon na siya ay naitalagang Presidential Assistant for Food Security and Agricultural Modernization ni dating Pangulong Benigno Aquino III, simula 2014 hanggang 2015. Dahil dito, malaki ang kaalaman na natutunan niya tungkol sa buhay ng taong bayan, lalo na sa mga Pilipinong magsasaka at ang relasyon ng pagsasaka sa usapin ng presyo ng bigas at pangunahing bilihin at iba pang isyu tungkol sa food security. MAHALAGANG NAGAWA NG KIKO Sa katunayan, m...

MGA MAHAHALAGANG NAGAWA NI KIKO PANGILINAN

Image
Taliwas sa sinasabi ng ilan, tahimik at simple lang si dating Senador Francis 'Kiko' Pangilinan pagdating sa usapin ng kanyang mga nakamit at ginawa bilang isang  matapat, totoo at seryosong lingkod bayan nang mga nagdaang taon. Maliban sa 291 batas na kanyang iniakda noong nasa Senado pa siya, gumawa rin siya ng mga makabuluhang pagbabago sa polisiya bilang miyembro ng Gabinete, bilang Kalihim ng Food Security noong administrasyon ni Pang. Benigno Aquino Jr. Partikular dito ang ating pagsasaayos ng rice supply na nagresulta sa pagbaba ng presyo ng bigas nang hanggang tatlong piso kada kilo at pinakamababang food inflation sa loob ng 20 taon (1995-2015). LABANAN ANG FAKE NEWS! #KikoSaSenado2025 #Kiko2025 #TapatAtTotoo #WalangBahid

Suportado ng DTI ang panukala ni Kiko Pangilinan para sa isang pambansang batas laban sa scalpers

Image
Larawan: Si Sen. Kiko Pangilinan kausap si Asst Sec Agaton ng DTI Consumer Protection Group Nagkaroon ng suporta ang panawagan ni dating Senador Kiko Pangilinan na sugpuin ang ticket scalping sa pagsang-ayon ng Consumer Protection Group ng Department of Trade and Industry (DTI) sa kanyang panukala para sa isang pambansang batas laban sa mga scalper. Kasunod ng mga reklamo mula sa mga manonood ng konsiyerto, nangako rin ang DTI na magsasagawa ng aksyon laban sa mga scalper sa nalalapit na konsiyerto ng 2NE1 sa Nobyembre 16. Sa isang pagpupulong kay Pangilinan, isiniwalat kamakailan ni Assistant Secretary Agaton Uvero, pinuno ng Consumer Protection Group ng DTI, na daan-daang reklamo ang naipasa online kaugnay sa bentahan ng ticket sa kamakailang konsiyerto ni Olivia Rodrigo sa Maynila. Ayon sa kompanya ng ticketing, ang mga isyu ay sanhi ng aberya sa sistema, na diumano'y nagbigay-daan sa mga reseller na makabili ng maraming ticket na muling ibinenta sa sobrang taas na hala...

DTI supports Kiko Pangilinan’s proposed national law vs scalpers after surge in ticket complaints

Image
Photo : Sen Kiko Pangilinan, meeting with DTI’s Consumer Protection Group head, Assistant Secretary Agaton Uvero Former Senator Kiko Pangilinan 's call to curb ticket scalping has gained momentum, as the Department of Trade and Industry’s (DTI) Consumer Protection Group expressed support for his proposal for a national law against scalpers. Following complaints from concertgoers, the DTI has also pledged to take action against scalpers at the upcoming 2NE1 concert on November 16. During a recent meeting with Pangilinan, the DTI’s Consumer Protection Group head, Assistant Secretary Agaton Uvero , revealed that hundreds of complaints had been filed online regarding ticket sales for Olivia Rodrigo’s recent Manila concert. The ticketing company attributed the issues to a system glitch, which reportedly allowed resellers to purchase a high volume of tickets that were later resold at inflated prices—up to P23,000, compared to Rodrigo’s intended flat rate of P1,500.    “ We’re e...

SEN KIKO PANGILINAN, NANGUNGUNA SA SURVEY NG MGA KABATAAN AT ESTUDYANTE

Image
  Nangunguna at isa sa paborito ng mga kabataan at estudyante sa isang survey si dating Senador Kiko Pangilinan.  Kiko, Ping, And Bam Top Youth Survey | Journal Online     Ito ang lumabas na resulta sa isang malawakang pambansang survey noong Oktubre 17-25 na isinagawa ng Centre for Student Initiatives (CSI) – isang hiwalay at malayang institusyon na nagsasaliksik ng solusyon para sa pagpapabuti ng edukasyon at   pakikilahok ng Kabataan sa pamamahala. Ayon sa pambansang survey, nakakuha si Sen Kiko Pangilinan ng 67% boto ng mga estudyanteng nasa edad ng 18 hanggang 25 anyos. Sinundan siya ni Lacson na may 54.5% boto, kasunod si Bam Aquino nsa may 51.7% na boto. Hindi nakakapagtaka kung bakit siya gusto at iniidolo ng maraming tao, hindi lang ang mga kabataan ngayon. Kahanga-hanga ang mga nagawa ni Sen Kiko Pangilinan sa serbisyo publiko bilang isang lingkod bayan. Bilang senador, naisabatas niya ang 291 na bills. Isa na dito ang pag-akda ng Organic Agriculture...

"ITAKWIL ANG MGA TIWALI AT CORRUPT SA HALALAN" - SEN KIKO PANGILINAN

Image
  Hinikayat ni dating Senator Kiko Pangilinan ang taong bayan na magkaisa  at ilunsad ang isang uri ng pag-aalsa at pagbabago sa darating na eleksyon sa 2025 - ang isang electoral revolt. Sa nasabing electoral revolt, hinimok niya ang mga botante na itakwil ang mga tiwali at corrupt na opisyal bagkus ihalal ang mga lider na may prinsipyo at inuuna ang kapakanan ng mga tao at ng bayan. “Walang puwersang pulitikal na hihigit pa sa milyun-milyon nating mga kababayan na nagkakaisa na tumataya, kumikilos kasama ang mga lider na may prinsipyo at paninindigan tungo sa landas ng ganap at tunay na pagbabago”, ito ang sinabi ni Sen Kiko Pangilinan noong October 16 sa ginanap na paglulunsad ng Kiko-Bam Grand Volunteer Launch sa Bahay ng Alumni sa UP Diliman. Inulit din niyang sinabi ang kanyang mariing paniniwala: “Ang tunay na tagapagligtas sa bayang hikahos ay ang taumbayan mismo — milyun-milyon mula sa bawat sulok ng Pilipinas, kumikilos, tumitindig, at lumalaban para sa goby...

Handang Makipagtulungan si Kiko sa Marcos Govt para Wakasan ang Gutom

Image
  Sa paghahain ng kanyang certificate of candidacy, sinabi ni dating Senador Francis “Kiko” Pangilinan nitong Martes na handa siyang makipagtulungan sa gobyernong Marcos upang wakasan ang gutom.   “Handa tayong isantabi ang pulitika upang tulungan ang gobyerno dahil walang kulay pulitika ang gutom,” Pangilinan sa kanyang pambungad na pahayag sa Manila Hotel set-up ng Commission on Elections.   Binanggit niya na nananatiling problema ng mga Pilipino ang mataas na presyo ng bigas at iba pang bilihin. “Nais ko muling bumalik upang masolusyonan ang dinadaing ng ating mga kababayan,” aniya.   Bilang presidential assistant ng food security at agricultural modernization noong 2014 sa panahon ng pamumuno ni Pangulong Noynoy Aquino, nagawa niyang pababain ang rice inflation mula 15 porsiyento hanggang 0.8 porsiyento sa loob ng isang taon, ang pinakamababang inflation rate sa bansa sa loob ng 20 taon o mula noong 1995. Noong panahong iyon, ang presyo ng bigas sa palengke...