"ITAKWIL ANG MGA TIWALI AT CORRUPT SA HALALAN" - SEN KIKO PANGILINAN

 

Hinikayat ni dating Senator Kiko Pangilinan ang taong bayan na magkaisa  at ilunsad ang isang uri ng pag-aalsa at pagbabago sa darating na eleksyon sa 2025 - ang isang electoral revolt.

Sa nasabing electoral revolt, hinimok niya ang mga botante na itakwil ang mga tiwali at corrupt na opisyal bagkus ihalal ang mga lider na may prinsipyo at inuuna ang kapakanan ng mga tao at ng bayan.

“Walang puwersang pulitikal na hihigit pa sa milyun-milyon nating mga kababayan na nagkakaisa na tumataya, kumikilos kasama ang mga lider na may prinsipyo at paninindigan tungo sa landas ng ganap at tunay na pagbabago”, ito ang sinabi ni Sen Kiko Pangilinan noong October 16 sa ginanap na paglulunsad ng Kiko-Bam Grand Volunteer Launch sa Bahay ng Alumni sa UP Diliman.

Inulit din niyang sinabi ang kanyang mariing paniniwala: “Ang tunay na tagapagligtas sa bayang hikahos ay ang taumbayan mismo — milyun-milyon mula sa bawat sulok ng Pilipinas, kumikilos, tumitindig, at lumalaban para sa gobyernong tapat.”

Para maisakatuparan ang mga pagbabagong nais ng taong bayan, kinakailangan ihalal ng mga botante ang mga lider at lingkod bayan na makikiisa sa kanilang mithiin.

Ani Sen Kiko,” Sa tulong ng Diyos at kasama ang mga lider na walang bahid ng anomalya, may sapat na karanasan at kaalaman sa pamumuno, at tapat at totoo sa sinumpaang tungkulin. “

Dagdag pa ni Sen Kiko, naipakita ang ganitong pagkakaisa noong kampanya ng 2022, nasimulan na ito noon at kailangang ipagpatuloy ngayong darating na halalan ng 2025.

Sabi din ni Sen Kiko, kasama ang mga kaibigan at mga kasangga ng bayan na kasama na noon pa na sina Senator Risa Hontiveros, former senator Bam Aquino, former Senator Leila de Lima, at Atty. Chel Diokno, para ipagtuloy lang laban

Bilang pagtatapos sa kanyang pananalita, sinabi ni Sen Kiko na buong tapang, buong puso, at buong lakas siyang maglilingkod. “Ipaglalaban ko kayo, walang bahid , tapat at totoo.”

#TapatAtTotoo

#Kiko2025

#LalabanTayoKiko

#HindiPaTayoTapos

#WalangBahid

 

Comments

Popular posts from this blog

SI KIKO AT SI TATANG MEG NG SAN SIMON, PAMPANGA