Suportado ng DTI ang panukala ni Kiko Pangilinan para sa isang pambansang batas laban sa scalpers

Larawan: Si Sen. Kiko Pangilinan kausap si Asst Sec Agaton ng DTI Consumer Protection Group

Nagkaroon ng suporta ang panawagan ni dating Senador Kiko Pangilinan na sugpuin ang ticket scalping sa pagsang-ayon ng Consumer Protection Group ng Department of Trade and Industry (DTI) sa kanyang panukala para sa isang pambansang batas laban sa mga scalper.

Kasunod ng mga reklamo mula sa mga manonood ng konsiyerto, nangako rin ang DTI na magsasagawa ng aksyon laban sa mga scalper sa nalalapit na konsiyerto ng 2NE1 sa Nobyembre 16.

Sa isang pagpupulong kay Pangilinan, isiniwalat kamakailan ni Assistant Secretary Agaton Uvero, pinuno ng Consumer Protection Group ng DTI, na daan-daang reklamo ang naipasa online kaugnay sa bentahan ng ticket sa kamakailang konsiyerto ni Olivia Rodrigo sa Maynila.

Ayon sa kompanya ng ticketing, ang mga isyu ay sanhi ng aberya sa sistema, na diumano'y nagbigay-daan sa mga reseller na makabili ng maraming ticket na muling ibinenta sa sobrang taas na halaga—umabot sa P23,000, kumpara sa flat rate na P1,500 na itinakda ni Rodrigo.

Nalulugod kami sa suporta ng DTI at sa kanilang dedikasyon na pigilan ang patuloy na pagsasamantala sa mga manonood ng concerts. Ito ay isang mahalagang hakbang sa pagtiyak ng patas na kalakaran at sa proteksyon ng mga Filipino fans mula sa mga scalper na nagpapagulo sa merkado,” ani ng dating senador.

Pinuri ni Pangilinan ang mga mamimili na pormal na nagsumite ng kanilang mga reklamo sa DTI. “Ang pagpapanagot sa mga kompanya para sa kanilang mga produkto at serbisyo ay bahagi ng proseso na magtitiyak ng mas mahusay na mga produkto at serbisyo para sa publiko, para sa ating lahat na mga mamimili,” dagdag niya.

Sa harap ng kontrobersiya, binigyang-diin ni Pangilinan ang pangangailangan para sa pambansang batas laban sa scalping, lalo na sa digital na panahon kung kailan laganap na ang mga bot at automated resellers. “Bagamat nakakatulong ang mga lokal na ordinansa, kailangan natin ng isang pambansang batas laban sa scalping upang matiyak ang konsistensya at epektibong aksyon,” aniya.

Habang papalapit ang inaabangang konsiyerto ng 2NE1, ang pakikilahok ng mga ahensya ng gobyerno ay nagbibigay ng pag-asa sa mga tagahanga para sa mas maayos at mas malinaw na proseso ng pagbili ng ticket.

Umaasa si Pangilinan na sa mas maraming aksyon para sa karapatan ng mga mamimili, kasama ang batas, magiging simula ito ng mas patas na karanasan para sa mga Pilipinong tagahanga at manonood ng konsiyerto.

 

@2NE1

@OliviaRodrigo

@DTI @NBI @Blackjacks

#concerts

#NoToScalpers

#consumerprotection

#consumerrights

#Kiko2025


Comments

Popular posts from this blog

SI KIKO AT SI TATANG MEG NG SAN SIMON, PAMPANGA

"ITAKWIL ANG MGA TIWALI AT CORRUPT SA HALALAN" - SEN KIKO PANGILINAN